Grade 4 Pupil, naligo sa Matampay River, Naglaho!

Patuloy na pinaghahanap ngayon ng kanyang mga mahal sa buhay at mga rescue group ang isang dyes anyos na batang lalaki matapos maglaho ng tangayin ng malakas na agos ng ilog pasado alas dos kahapon ng hapon sa Matampay River sa Cotabato City.
Sinasabing nagkayayaan ang mga magkakaibigan mula Cotabato City Central Pilot School na maligo kahapon sa Matampay River. Masaya anilang naglalaro ang mga bata, sabay talon mula tulay patungong ilog. Ngunit sa di malamang dahilan ay di umahon at biglang naglaho si Benzar Masla, Grade 4 Pupil .
Tanging ang kanyang mga hinubad na uniform at sapatos na lamang ang naiwan ni Benzar.
Samantala lubos naman ang kalukungtan na nadarama ngayon ng ina ng biktima matapos mabalitaan ang sinapit ng kanyang panganay na anak na si Benzar.
Wala rin aniya itong magawa sa ngayon bukod sa panalangin dahil nasa Kuwait ito base na rin sa pakikipag-ugnayan ng DXMY sa kanya. Sinasabing nasa pangangalaga ng kanyang mga magulang sa Crossing Pinaring ang dalawa pa nitong mga anak. Sinasabing syam na buwan pa lamang ito sa Kuwait.
CCTO Pics


Facebook Comments