Isang kilo ng hinihinalang shabu na may halagang higit P7 milyon ang nakumpiska sa isang Grade 6 student sa Zamboanga City noong Sabado.
Ayon kay Police Regional Office for Zamboanga Peninsula (PRO-9) director Police Brig. Gen. Jesus Cambay Jr., ang suspek ay 17-anyos na lalaki, tubong Liminusa island, Siasi, Sulu City.
Nakumpiska ng awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Sta. Barbara, ang isang malaki at isang maliit na transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may kabuuang timbang na 1.039.8 kg na nagkakahalagang P7,070,640.
Tinukoy ng Zamboanga City Police Station 10 at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-9) ang binatilyo na bagong tulak umano ng droga sa lugar.
Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek, habang dinala naman ang mga nakumpiska sa Zamboanga City Crime Laboratory para sa pagsusuri.