Grade 6 student, nahulihan ng mahigit 20 sachet ng marijuana sa Quezon City

Quezon City – Arestado ang isang grade six student dahil sa pagbebenta ng marijuana sa loob ng kanilang paaralan sa Quezon City.

Ayon sa mga guro ng menor de edad, na-diskubre nila sa bag ng 16 anyos na estudyante ang nasa 22 sachet ng pinatuyong marijuana.

Nakita rin sa bag nito ang gamit sa pagdodroga gaya ng tube at tooter.
Sa follow-up operation, nadakip ang dalawang lalaki at isang babaeng 3rd year college student na itinuro ng binatilyo na pinagkukunan niya ng marijuana.


Itinanggi Nila John Ross Ong, Ralph Peñaflor ang alegasyon pero idinahilan ng kolehiyalang si Eunice Zhizka Zeta na sinusuportahan niya ang sarili kaya pinasok niya ang iligal na gawain.

Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa dangerous drug act habang itinurn over na sa DSWD ang menor de edad na grade six student.

Facebook Comments