GRADE 6 STUDENT, NALUNOD SA LINGAYEN BEACH NOONG BAGONG TAON

Isang 11-anyos na mag-aaral ang nasawi matapos malunod habang nagkakasiyahan kasama ang pamilya sa Lingayen Beach noong Enero 1.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naliligo ang biktima at ang kanyang 13-anyos na kapatid sa dagat habang binabantayan ng kanilang tiyuhin.
Tinangay umano ng malakas na agos ang dalawa patungo sa malalim na bahagi ng tubig. Sinubukan pang isalba ng tiyuhin ang mga pamangkin, ngunit nabigo siyang makita ang mas nakababatang biktima.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) at isinugod sa ospital ang bata, ngunit idineklarang dead on arrival. Ito na ang ikalawang insidente ng pagkalunod sa Lingayen Beach nitong kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Dahil dito, muling nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na mag-ingat at sumunod sa mga safety guidelines upang maiwasan ang ganitong trahedya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments