Grade 6 Student, Patay sa Pagkalunod sa Naguilian, Isabela

Cauayan City, Isabela-Nasawi sa pagkalunod ang isang 12-anyos na Grade 6 student na batang lalaki sa Barangay Roxas, Naguilian, Isabela.

Ito ay matapos matagpuan ang katawan ng bata sa Small Water Impounding Project (SWIP) o imbakan ng tubig.

Ayon kay PMAJ. Merwin Villanueva, hepe ng Naguilian Police Station, huling Nakita ang biktima na naglalaro kasama ang iba pang mga bata malapit sa lugar kung saan ito natagpuan.


Tinatayang nasa 3 hanggang 5 talampakan ang lalim ng imbakan ng tubig kung saan sinasabing gusto nitong maligo dito.

Ayon pa kay PMAJ. Villanueva, hinukay lamang ng mga residente ang nasabing imbakan ng tubig upang masuplayan ng tubig ang mga sakahan ng magsasaka sa tuwing sasapit ang tagtuyot.

Nagawa pang isugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival sa pagamutan.

Nagpaalala naman ang pulisya sa mga barangay police na mahigpit na bantayan anga lugar upang masigurong maiiwasan ang anumang insidente.

Facebook Comments