Grade 7 Student, Patay matapos Malunod sakop ng Chico River

91

Cauayan City, Isabela- Dead on arrival ang isang Grade 7 student matapos malunod sa ilog na sakop ng Chico River bandang 3:10 ng hapon kahapon sa Brgy. Cabaruan, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang nasawing biktima na si Alexa Pimentel Aquino,11-anyos, at residente ng Brgy. Laya East, Tabuk City, Kalinga.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg. Glenn Atingwa ng PNP Tabuk City, nagdesisyon ang biktima kasama ang kanyang tatlo pang kaibigan na maglaba sa ilog at ilang sandali ng magkasundo ang mga ito na maligo hanggang sa mapunta sa malalim na bahagi ng ilog na dahilan ng pagkalunod ng biktima.

Sa kabila nito, maayos na ang kondisyon ng tatlo pang biktima matapos obserbahan ng sumuring doktor.

Labis naman ang paghihinagpis ng pamilya ng biktima sa sinapit ng kanilang kaanak.

Facebook Comments