Grade 7 students nambugbog umano ng kapwa estudyante

1627
Image has been blurred due to sensitive content.

Humingi ng tulong sa pamamagitan ng social media ang isang ina para mabigyan hustisya ang pambubugbog sa kanyang babaeng anak.

Sa mga larawang pinost mismo ng nanay ng biktima, makikita ang mga sugat at pasang tinamo ng dalaga mula sa mga hinihinalang Grade 7 students.


Images via Dairic Bentir De Lima

“Ang yayabang niyo porket madami kayo wala naman ginagawa sa inyo ang anak ko para saktan nyo ng ganyan,” mensaheng sinulat ni Dairic Bentir De Lima.

Dagdag pa nito, hindi niya lubos akalaing mapapanood sa Facebook ang ginawang pambubully sa pinakamamahal na supling.

“Pakabait ng anak ko BAHAY at SKUL lang siya hindi nyo siya makikita na pagala-gala sa kalye. Sasabihin nyo pa anak ko ang may kasalanan.”

Batay sa profile ng biktima, kasalukuyan itong nag-aaral sa Santiago National High School, General Trias Cavite.

Hinamon niya rin ang mga mag-aaral kung hanggang saan ang tapang nila.

Para sa mga netizens, nararapat lamang ireklamo at bigyan ng leksyon ang mga batang nambugbog.

Wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng paaralan ukol sa insidente.

Facebook Comments

From Advertisers