GRADE 8 STUDENT, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang Garde 8 student matapos ang ikinasang buy-bust operation sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si alyas “Juan”, 21-anyos, at residente ng nasabing lalawigan.

Nakumpiska sa suspek ang apat na piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, may bigat na 5.5 gramo at nagkakahalaga ng P37,400; tatlong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana, tumitimbang na 15 gramo at nagkakahalaga ng P1800, at dalawang bote ng 20 ml marijuana oil na nagkakahalaga naman ng P20,000.


Sa ngayon, ang suspek ay nasa pangangalaga ng Bayombong Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments