Paalala: May ilang sensitibong bagay ang naisulat sa artikulong ito. Importante ang patnubay sa mga menor de edad o wala pa sa tamang disposisyon na maaring makabasa ng ganitong istorya.
NORALA, SOUTH COTABATO – Pinaghihinalaang nagpakamatay ang isang Grade 9 student bunsod umano ng pagkakaroon ng mababang grado.
Natagpuang nakabigti sa loob ng bahay ang binatilyong si “Marco”, hindi niya tunay na pangalan, pasado alas-5 ng hapon nitong Lunes.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, umuwing malungkot ang biktima sa kanilang bahay at kinausap ang magulang niya, ilang oras bago magpakatiwakal.
Sinabi umano ni “Marco” na ayaw niya nang pumasok sa eskuwelahan dahil palaging bumabagsak sa klase
Naikuwento din noon ng binatilyo sa nakakatandang kapatid na madalas siyang asarin ng mga kaklase tuwing nakakakuha ng mababang marka.
Nakitang nakalambitin ang biktima gamit ang isang nylon cord.
Wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng paaralan hinggil sa naranasang bullying ng Grade 9 student.
Sa mga nakakaranas ng depression, huwag mag-alinlangan sumanggi sa malalapit na kaibigan at espesyalista.
Maari din kayong tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health:
- (02) 804-HOPE (4673)
- 0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
- 0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
- 0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084