Timbog ang isang Grade 9 student sa ikinasang buy bust operation ng awtoridad sa Brgy. Mayombo, Dagupan City.
Tinukoy ang suspek na high-value individual sa usaping ilegal na droga.
Nakumpiska sa suspek ang 103 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P700,400, kabilang ang P100,000 na buy bust money.
Nasa kustodiya ng Dagupan City Police Station ang suspek ngunit inilipat sa City Social Welfare and Development Office para sa tamang proseso habang inihahanda ang kasong kakaharapin nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







