Grade 9 Student, Patay Matapos Sumalpok sa Bus!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang Grade 9 student matapos sumalpok sa kasalubong na pampasaherong Bus bandang alas 9:00 kagabi sa kahabaan ng pambansang lansangan sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Ramel Sirain, 21 taong gulang at residente ng Brgy. Matusalem, Roxas, Isabela habang ang suspek at drayber ng Bus na Victory Liner na may plakang CXT 123 ay nakilalang si Rolly Pulanco, 47 taong gulang, may-asawa, at residente ng Brgy. Landoc, Alaminos, Pangasinan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bumabaybay ang bus patungong Poblacion ng bayan ng Roxas at habang paliko ito sa kaliwang bahagi ng daan ay biglang sumalpok ang kasalubong na motorsiklo ng biktima.


Wasak ang ilang bahaging harapin ng Bus matapos ang matinding pagsalpok ng biktima na nagtamo naman ng malalang pinsala sa katawan at ulo.

Dinala sa pinakamalapit na ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival (DOA).

Facebook Comments