GRADO | Performance rate ni outgoing AFP Chief of Staff General Guerrero, ipinauubaya sa publiko

Manila, Philippines – Ipinauubaya na ni outgoing Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero sa publiko ang pagbibigay ng rate o grado para sa kanyang naging performance bilang pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Pero kung siya aniya ang tatanungin ay naging kuntento siya sa kanyang mga nagawa bilang AFP Chief of Staff.

Si Guerrero ay anim buwang nagsilbi bilang AFP Chief of staff.


Mas naging propesyunal at patuloy na naipapakita ng mga sundalo ang culture of excellence ito aniya ang maiiwan nyang legacy sa AFP.

May mga nais pa rin aniya syang gawin bilang AFP Chief of staff ito ay mapaunlad pa ang kasalukuyang sistema sa AFP.

Nasimulan nya na raw ito at naniniwalang siyang ipagpapatuloy ito ni incoming AFP Chief of Staff Carlito Galvez.

Si Guerrero ay pormal nang papalitan bukas ni Lt. General Carlito Galvez.

Nagsilbi si Guerrero ng 34 na taon sa AFP simula nang pumasok sa Philippine Military Academy.

Facebook Comments