“Gradual deactivation” sa serbisyo, mobile apps ng unregistered SIMs, dinepensahan ng DICT

Dinepensahan ni DICT Secretary Ivan Uy ang plano nila na dahan-dahang i-deactivate ang mga unregistered SIM.

Sa ilalim nito, dahan-dahang aalisin ang serbisyong makukuha sa SIM gaya ng pagtawag o paggamit ng mga social media app gaya ng Facebook at TikTok kapag nabigo silang iparehistro ang kanilang SIM cards sa unang animnapung araw ng extension.

Giit ni Uy, dinededma lang kasi ng ilan ang paulit-ulit nilang paalala na magparehistro.


Pero aniya, wala pang pinal na plano dahil tatalakayin pa nila ito sa mga telcos.

Facebook Comments