Manila, Philippines – Bumuhos ang pagbati sa Pinay singer na si Carol Banawa matapos magtapos bilang summa cum laude sa kursong nursing.
Nauna na itong ibinahagi sa Facebook ng music talent manager na si David Cosico.
Base naman sa Instagram post ni Banawa, makikita ang larawan niya mula sa katatapos lang na nurse pinning ceremony kung saan thankful raw siya sa Panginoon sa nakamit niyang parangal.
Nagtapos si Banawa sa Northern Virginia Community College at kasalukuyang nakatira sa Amerika.
Kabilang sa mga sikat niyang mga kanta ang “bakit di totohanin” at “iingatan ka”.
Facebook Comments