Graduates sa public schools sa Navotas City, makakatanggap na ng cash incentive

49

Good news! Mabibigyan na ng cash incentives ang mga graduates ngayon taon sa Navotas City.

Sakop ng mabibigyan ng cash incentives ang mga estudyanteng nagtapos sa pampublikong paaralan sa Navotas City mula elementary, high school at college.


Ang mga nagtapos ng elementarya sa Navotas City ay makakatanggap ng ₱500, sa high school naman ay ₱1,000 habang sa kolehiyo ay ₱1,500.

Maaaring kunin ngayong araw hanggang bukas ang cash incentives ng mga nagsipagtapos mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon sa Mayor’s office sa 4th Floor ng City Hall.

Kung menor de edad ang benepisyaryo, ang magulang o guardian nito ang kukuha, kalakip ang photocopy ng student ID o kaya ay birth certificate at authorization ng graduate.

Kinakailangan din na magdala ng photocopy ng ID ng magulang o guardian na kukuha na may tatlong pirma.

Kinakailangan na may quarantine pass, may suot na mask, sariling ballpen at alcohol ang mga kukuha ng insentibo.




Facebook Comments