Graduating Student arestado ng PDEA ARMM, P 2.5 Million na shabu nakumpiska

Kalaboso ang isang 22 anyos na graduating student matapos makumpiskahan ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Upper Capiton Datu Odin Sinsuat Maguindanao pasado ala una myerkules ng hapon .
Kinilala ang naaresto na si Raffy Hajirol Osama, aka Rex , residente ng Mahad Brgy Bagua 2 , 4th year criminology student na nakumpiskahan ng 10 sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 2.5 Million pesos. Sinsabing matagal ng minamanmanan ng mga taga PDEA ARMM ang suspek . Itinuturing rin itong drug courier sa panayam ng RMN Cotabato kay Regional Director Juvenal Azurin.
Naging matagumpay ang operasyon bunsod na rin sa pakikipagtulungan ng 2nd Platoon PPSC, Datu Odin Sinsuat Municipal Station at City Government of Cotabato City dagdag ni Director Azurin.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa maaring source ng droga na ibinebenta ni Osama habang nahaharap na ito sa mga kaukulang kaso.

Facebook Comments