Graduating student, patay sa pamamaril sa Cebu City

Patay ang isang graduating student matapos ipagtanggol ang kasama niyang babae sa mga holdaper sa Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Jovanie Pat, 21-anyos na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaniyang artery.

Batay sa imbestigasyon, dalawang lalaki ang humarang at nanutok ng baril sa biktima at sa kasama nitong babae.


Dito sapilitang hinila ng mga suspek ang dalang bag ng babaeng kasama ni Pat pero tumanggi ang mga ito hanggang barilin ng isang suspek ang biktima.

Inaalam na ng Central Visayas Police Office ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments