GRADUATION CASH GIFT, IPINAMAHAGI SA LUNGSOD NG SANTIAGO CITY

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng Graduation Cash gifts ang mga mag-aaral na nagsipagtapos sa Lungsod ng Santiago.

Kabilang sa mga nabigyan ngayong taon ay ang 1,828 mag-aaral ng Early Childhood Care and Development; 2,331 na Kindergarten; 2,743 na Grade 6 ; 2,490 na Grade 10, at 1,762 sa Grade 12.

Habang 447 na mag-aaral ng Alternative Learning System ang makakatanggap ng nasabing graduation cash gift sa susunod na araw.


Watch more balita here: NETIZENS, NALOKA SA VIRAL KISSING VIDEO NI YASSI AT GOV. LUIGI

Layunin ng Lokal na Pamahalaan na isulong ang pagpapataas sa antas ng edukasyon sa Lungsod ng Santiago.

Samantala, ang nasabing programa ay bahagi ng Kaisaka sa Edukasyon at Literasiya.

Facebook Comments