Graduation ceremonies, hindi muna isasagawa sa buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic ayon sa DepEd

Inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na wala munang isasagawang graduation rites sa buong bansa ngayong taon dahil sa patuloy na banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang inihayag ni Education Secretary Leonor Briones kung saan sinabi niyang hindi muna nila inirerekomenda ang mga tradisyonal na commencement exercises para na rin sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Paliwanag ni Briones, bukod sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon ay marami ring Local Government Units (LGUs) ang nagpatupad nito sa iba’t-ibang lugar sa Visayas at Mindanao.


Samantala, nilinaw naman ng kalihim na maaari pa ring makuha ng mga estudyante ang kanilang mga certificate sa mga paaralan ngunit hindi na kinakailangan pa na mayroong mga kasama dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments