GRADUATION CEREMONY | Pangulong Duterte, dadaluhan ang pagtatapos ng MARAGTAS CLASS of 2018 ng PNPA

Manila, Philippines – Pangungunahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
graduation ceremony ng Philippine National Police Academy sa Camp General
Castaneda sa Silang, Cavite.

Dumating na rin si Vice President Leni Robredo.

Magtatapos ngayon ang MARAGTAS o Magiting at Responsableng Alagad ng Batas
na Gabay sa Transpormasyong Alay sa Bayang Sinilangan class of 2018.


106 ang magtatapos ngayong taon, 76 ay pupunta sa Philippine National
Police, 13 sa Bureau of Fire at 17 naman sa Bureau of Jail management and
Penology.

79 sa mga graduates ay lalaki habang 27 naman ang babae.

Ang Valedictorian ngayon ay si Cadet Fritz John Vallador, mula ngros
Occidental na magsisilbi sa PNP at makatatanggap ng Presidential Kampilan
Award at Chief PNP Kampilan Award.

Pangalawa naman si Cadet Francis Fagkang na makatatanggap ng Vice
Presidential Kampilan award.

Anumang oras ay inaasahang darating na si Pangulong Duterte sa lugar para
masimulan ang graduation ceremony.

Facebook Comments