
Dadaluhan ngayong Disyembre 1 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Joint Graduation Ceremony ng Major Services Officer Candidate Course sa PAF Gymnasium, Villamor Air Base, Pasay City.
Inaasahang darating sa venue si PBBM bandang alas-11 ng umaga.
Bibigyang-diin sa okasyon ang suporta ng Pangulo sa mga bagong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), bilang susunod na lider sa depensa at seguridad ng bansa.
Kasama sa mga pangunahing panauhin sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.
Facebook Comments









