Graduation ng mga college students na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal, posibleng maantala

Gusto ng Commission on Higher Education na i-adjust ang Academic Calendar ng mga kolehiyo na pasok sa 14kilometer radius ng nag-aalburutong Bulkang Taal.

Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, Ito ay dahil nananatiling kanselado pa rin ang mga klase sa lalawigan ng Batangas gayong nagsimula na ang ikalawang semestre para sa School Year 2019-2020.

Dahil dito, inamin ni De Vera na apektado ang Graduation ng mga 4th Year College Student gayundin ang Semester Breaks ng mga ito.


Batay sa datos, mahigit 30,000 mag-aaral sa kolehiyo ang apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal dahil nasa loob ng permanent danger Zone ang kanilang mga Paaralan.

Apat na Kolehiyo ang napinsala dahil sa mga bitak partikular mga bayan ng Lemery, Agoncillo at Taal bagama’t sinabi ni De Vera na patuloy pa nilang inaalam kung magkano ang kabuuang pinsala sa mga ito.

Facebook Comments