Graduation Rites, Postponed Lang-DepED RO2!

Cauayan City, Isabela- Nilinaw ng DepED Region 02 na ipagpapaliban lamang ang graduation rites at iba pang mga school activities dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Regional Director Estela Cariño ng DepEd RO2, dahil sa extension ng Enhanced Community Quarantine hanggang sa April 30, 2020 ay wala pang napagkasunduan kung kailan ipagpapatuloy ang graduation rites.

Sakaling i-lift na anya ang ECQ ay magpupulong ang pamunuan ng DepED para i-reschedule ang graduation ceremonies.


Wala naman na aniyang problema sa ilang mga paaralan dahil nakapag final examination na ang karamihan at nabigyan na rin ng pinal na grado.

Iginiit ni RD Cariño na napakahalaga ang naturang seremonya para sa isang mag-aaral at sa kanilang mga magulang kaya’t hindi aniya nila ito kinakansela.

Facebook Comments