GRADUATION | Senadora Leila De Lima, humiling ng pansamantalang kalayaan

73

Manila, Philippines – Humiling si Senador Leila De Lima na pansamantalang makalaya para makadalo sa graduation ng kaniyang anak.

Sa very urgent motion na inihain ni De Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court, hiniling niyang pansamantalang makalabas sa June 3 para dumalo sa graduation ng kaniyang anak na si Vincent Joshua De Lima Bohol.

Humihingi rin si De Lima ng dalawang oras na palugit matapos ang seremonya ng pagtatapos para sa personal na oras kasama ang kaniyang pamilya.

Paliwanag ni De Lima, pagpapakita ito ng suporta para sa kaniyang anak na kukuha ng bar exam sa Nobyembre.

Una nang pinayagan ng korte na makalabas ng PNP Custodial Center si De Lima para makapagpacheck up noong Mayo 10.

Facebook Comments