
Sumisiklab ang kulay at malikhaing enerhiya sa Graffiti Art Competition ngayong ipinagdiriwang ang City Fiesta sa Urdaneta.
Tumotodo ang mga batang Urdaneteño at local graffiti artists sa paglikha ng mga obra na hindi lang basta guhit sa pader—kundi mga kuwentong buhay, emosyon, at imahe ng kulturang lokal.
Makikita rito ang iba’t ibang estilo: mula sa street art na mapangahas at moderno, hanggang sa makukulay na mural na lumalahad ng kwento ng komunidad. Bawat spray ng pintura, bawat stroke ng kulay, ay patunay ng talento at galing ng mga kabataang patuloy na nagbibigay karakter sa lungsod.
Sa mga mahihilig sa sining, biswal na regalo ito—isang pagkakataong masaksihan ang live creation ng mga likhang sining na maaaring maging bagong landmarks ng Urdaneta.
Higit sa lahat, ang kompetisyong ito ay pagpupugay sa lokal na kultura, creativity, at kabataang may tapang na ipakita ang kanilang art form sa publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









