Manila, Philippines – Pinagtibay na ng Office of the Ombudsman ang dismissal laban sa dating Philippine Ports authority General Manager Atty. Juan Sta. Ana at Asstant General Manager nito na si Raul Santos dahil sa Graft and Corruption.
Sa siyam na pahinang desisyon ng office of the Ombudsman, bukod sa dismissal, pagbabawalan na ring humawak sa anumang posisyon sa gobyerno.
Inaalis na rin sa kanila ang matatanggap sana na benepisyo kabilang na ang retirements benefit at pinagmumulta pa sila ng halagang katumbas ng isang taong nilang suweldo .
Nag ugat ang kaso matapos na payagan nila ang DMCI na ilegal na mag operate at magtayo ng pantalan sa brgy. Bolitoc, Sta. Cruz Zambales.
Lumilitaw na ang permit na ibinigay sa kanila ng DENR ay para magrenovate ng pantalan. Gayunman wala naman palang pantalan na naitatayo sa lugar.
Bagkus kinailangan nilang butasin ang bundok para magtayo ng bagong pantalan na taliwas sa kanilang permit.