GRAFT AT FALSIFICATION | Mag-amang Binay, nakapagpiyansa na sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Nagpiyansa na sa Sandiganbayan 5th division sina dating Vice President Jejomar Binay at anak na si dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Tig-192,000 pesos ang inihaing piyansa ng mag-ama para sa tatlong bilang ng kasong falsification of public documents at apat na bilang ng kasong graft.

Kaugnay ito ng umano ay maanomalyang pagpapatayo sa 1.3-billion pesos na Makati Science High School.


Matatandaang inakusahan sila ng Ombudsman dahil sa iregularisasyon sa bidding process ng naturang gusali bagay na itinanggi naman ng mag-ama.

Facebook Comments