Manila, Philippines – Ibinasura ng Sandiganbayan 5th Division ang inihaing motion to quash nina dating Vice President Jejomar at dating Makati City Mayor Junjun Binay para sa kasong katiwalian at falsification of public documents.
Ito ay kaugnay ng maanomalyang pagpapatayo ng Makati Science High School building.
Giit ng Sandiganbayan, malinaw ang detalye ng mga alegasyon sa case information na inihain ng Ombudsman laban sa mga akusado.
Una nang nakitaan ng Ombudsman ng iregularidad sa procurement process para sa pag-facilitate sa awarding ng kontra para sa lahat ng anim na phases ng building construction project mula 2008 hanggang 2013.
Pero depensa ng mga Binay, walang sabwatan na nangyari sa pagitan nila ng bids and awards committee na pumabor sa Hilmarc’s Construction para sa naturang proyekto.