Manila, Philippines – Natuwa ang Palasyo ng Malacanang sa kahilingan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na ipag-utos ang pag-aresto kay dating Palawan Governor Joel Reyes at kanselahin ang kanyang piyansa na may kaugnayan sa kasong graft na kinakaharap nito.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tama lamang ang naging hakbang ng Ombudsman at ito ay para maibalik sa kulungan ang dating gobernador.
Matatandaan na kinondena na ng Malacanang ang pagpapawalang sala ng Court of Appeals kay Reyes sa kaso naman ng umano’y pagpapapatay nito kay Dr. Gerry Ortega sa Palawan.
Isa aniya itong lantarang paglapastangan sa hustisya ng bansa.
Facebook Comments