Manila, Philippines – Nakatakdang magsumite ng Motion for Reconsideration sa Office of the President si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang kaugnay ng pagsibak sa kanya.
Sa delibirasyon ng proposed budget ng Ombudsman para sa 2019 sa Kamara, sinabi ni Carandang na inihahanda na niya ang Motion for Reconsideration (MR).
Nilinaw naman ni Carandang na ang paghahain niya ng MR ay hindi pagkilala ng hurisdiksyon ng tanggapan ng Pangulo sa kanya.
Una nang sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na may labing-limang araw pa si Carandang para iapela ang pagkakasibak sa kanya.
Pero kung hindi anya pagbigyan ng Office of the President ang apela ni Carandang ay maari pa naman itong umakyat sa Court of Appeals (CA).
Si Carandang ay nasibak sa serbisyo dahil sa graft case at breach of confidentiality nang magbigay ito ng mga statement hinggil sa imbestigasyon ng bangko sa sinasabing mga yaman ng Pangulong Duterte.