Manila, Philippines – Nakapaghain na ng piyansa sa Sandiganbayan si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos kaugnay sa pitong kaso ng katiwalian.
Sa pamamagitan ng abogado ni Marcos ay nakapaglagak ito ng piyansa na P300,000 para sa post-conviction remedies.
Bago ito ay na-forfeit ang 150,000 na piyansa ng dating unang ginang dahil sa hindi nito pagdalo sa promulgation noong November 9.
Noong November 16 naman ay naghain siya ng 150,000 pesos na bond habang hindi pa nakakapagdesisyon ang korte kung papayagan siyang kumuha ng post-conviction remedies.
Si Marcos ay hinatulang guilty sa kasong pitong counts ng graft dahil sa umano ay pagbuo ng mga Swiss foundations noong siya ay gobernador pa ng Metro Manila at humawak ng iba pang posisyon.