Manila, Philippines – Kinasuhan ng Alliance for Concerned Transport Organization (ACTO) ng graft sa Office of the Ombudsman si LTFRB Chairman Martin Delgra.
Kaugnay ito ng umano’y pagiging bias ni Delgra sa pagkakaloob ng prangkisa sa mga Public Utility Vehicles.
Sa kanyang complaint-affidavit, sinabi ni ACTO President Efren De Luna na nagpakita si Delgra ng “favoritism” sa ilang transport group na nag-apply ng Certificates of Public Convenience para mag-operate sa mga bagong bukas na ruta.
Sa ilalim ng LTFRB Board Resolution No. 045 series of 2018… kabuuang 1, 229 prangkisa binuksan ng ahensya saw along rehiyon sa bansa para sa inisyal na implementasyon ng PUV Modernization Program.
Pero sabi ni De Luna, isinara ng LTFRB ang aplikasyon para sa limang ruta na sa hinala niya ay naka-reserve na sa isang aplikante na malinaw na paglabag sa batas.
Apela ni De Luna sa Ombudsman, suspendihin si Delgra gayundin si LTFRB Board Member Ronaldo Corpus.