GRAFT | Pagprisinta ng mga testigo laban kay dating Sen. Bong Revilla, pinamamadali na

Manila, Philippines – Inatasan ng Sandiganbayan first division ang government prosecutors na madaliin na ang presentation of witnesses sa kasong graft ni dating Senador Bong Revilla.

Sa pagdinig kahapon, iniharap ng prosecutor ang mga testigong sina dating Kidapawan City Mayor Rodolfo Ganduangco at Nasipit, Agusan del Norte Municipal Agriculturist Rebecca Quicho.

Kapwa nila itinanggi na tumanggap sila ng pera mula sa PDAF ni Revilla.


Habang hindi naman na nag-cross examine ang kampo ni Revilla sa mga ito.

Facebook Comments