GRAMMY | Lady Gaga, muling magpe-perform sa annual Grammy Awards

Showbiz- Balik Grammy stage na si Lady Gaga matapos ang kanyang performance sa Grammys noong 2016.

Inanunsyo na ng mga organizer ng Grammys ang nakatakdang performance ng pop superstar na si Lady Gaga at rapper na si Childish Gambino sa darating na January 28.

Ito ang unang pagbabalik ni Lady Gaga matapos ang kanyang performance sa grammys noong 2016 kung saan nag-perform siya ng david bowie medley songs.


Bagama’t isa sa mga lead performance Lady Gaga, hindi naman ito nakasama sa four main categories sa Grammys.

Samantala, nominado naman si Gambino sa Album of the Year at record of the year.

Si childish Gambino ay sumikat sa mga kantang “Awaken, My Love!” at “Redbone.”

Facebook Comments