Granada, mga baril, at iba’t ibang uri ng mga bala – nasamsam sa raid sa Taguig City

Manila, Philippines – Iba’t ibang uri ng mga bala ang narekober ng mga tauhan ng Southern Police District sa isinagawang raid sa Taguig City

Partikular na target ng pinagsanib na units ng SPD ang isang Fhahad Fias Gando.

Nasamsam ng mga otoridad sa nasabing operasyon ang isang MK fragmentation grenade; isang Taurus .45 caliber , .38 caliber chamber , isang magazine ng 45 caliber at iba’t ibang uri ng mga bala ng baril.


Sa naturang raid, naaresto rin ang dalawa pang lalaki at nabawi sa kanila ang shabu na nasa sachets, isang fan knife, at mga bala.

Ang mga naaresto ay nasa kustodiya na ng Southern CIDG para sa imbestigasyon at documentasyon.
Nation”

Facebook Comments