Granada sumabog sa bayan ng Matalam North Cotabato

Isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa mga residente ng Matalam sa lalawigan ng Cotabato kahapon ng umaga. Nangyari ang pagsabog sa Purok Ambel barangay Marbel sa bayan ng Matalam. Sumabog ang granada sa inabandonang bahay na pag-aari ni Santana Unsil.
Sa ginawang post blast investigation ng EOD team ng Cotabato Police Provincial Office kanilang narekober ang mga metal fragments ng hand grenade.Hindi pa nabatid kung sino ang responsable sa pagpapasabog. Wala namang nasaktan sa pagsabog habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.(Amer Sinsuat)
For display only

Facebook Comments