Isang granada ang sumabog sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng North Cotabato kaninang madaling araw. Nasugatan sa pagsabog ang isang lalski na kinilalang si Datu Samer Esmail Guialil. Sa report ng Pikit Pnp sumabog ang granada sa tapat mismo ng bahay ng biktima
Mahimbing umanong natutulog ang biktima kasama ang iba pang miembro ng pamilya ng yanigin sila ng malakas na pagsabog. Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima. Hindi pa nabatid ng kapulisan kung ano ang motibo at sino sng nasa likod ng pagpapasabog. (Amer Sinsuat)
For display only
Facebook Comments