Grand finalist sa isang talent search sa TV, huli sa buy-bust operation sa Taguig

5610

Taguig City – Arestado ang isang grand finalist sa isang talent search sa TV sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Taguig City.

Kinilala ni PDEA Deputy Director General for Operation  Gregorio Pimentel ang arestado na si Aaron Cruz, 25-anyos  grand finalist ng Gandang Lalake Talent Search sa isang sikat na noon time show, freelance model  at product endorser.


Kabilang sa mga naaresto ay si Geraldine Vitto, 22-anyos  residente ng Block 12 Welfare Ville  Compound  sa Mandaluyong.

Ilang linggo ring isinailalim sa surveillance ang actor/model bago isinagawa ang buy-bust operation bago nakwelyuhan sa  drug buy-bust operation sa 36th Street Bonifacio Global City  Barangay  Fort Bonifacio,  Taguig City.

Nakuha sa mga suspek ang 84 na piraso ng  ecstasy  tablet,  8 botelya  ng liquid ecstasy,  8 medium pack ng cocaine na may estimated  value  ng P1 million.

Aminado naman si Geraldine na siya ang may dala ng nakuhang party drugs.

Katwiran niya, napag-utusan lamang siya na i-deliver ang order at hindi niya alam na droga ang kanyang bitbit.

Facebook Comments

From Advertisers