Grand Lotto 6/55 Jackpot winner, kinubra ang napanalunan!

Photo by: Eugenio Darcy Geronimo

Mandaluyong City.  Matapos ang ilang linggo, nagtungo na sa tanggapan ng PCSO ang nag-iisang nanalo ng Grand Lotto 6/55 jackpot prize na umabot sa Php298,773,641.20 na binola noong Marso 27, 2021.

Dahil sa pag gunita ng Semana Santa kasabay ng paglalagay ng IATF sa Metro Manila at karatig na probinsiya sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ay umabot ng halos tatlong linggo bago naka pag claim ang nanalo.  Ang mapalad na tiket na may mga numerong 38-35-11-22-39 at 47 ay nabili ng maswerteng nanalo sa isang lotto outlet sa Pagadian City, Zamboanga Del Sur habang may inasikaso ukol sa kanyang trabaho.

Ang nanalo ay dating Overseas Filipino Worker na ngayon ay isa nang empleyado ng gobyerno. Nais niyang ibahagi ang kanyang napanalunan sa  kanyang mga kapatid. Plano rin nyang magbigay donasyon sa kanilang simbahan at tumulong sa mga kakabayan natin na higit na naapektuhan ng pandemya. Aniya, “Lubos po ang aking pasasalamat sa malaking blessing na ito. Marami pong matutulungan ang napanalunan kong ito sa Lotto, una po ang aking pamilya ganun din po ang ating mga kababayan na higit na nangangailangan lalo na ngayong mayroong pandemya. Ito po ay ibabahagi ko sa kanila.”


Ani PCSO General Manager Royina M. Garma “Congratulations po sa inyo at mabuti dahil maganda po ang intension ninyo na tumulong sa pamilya at lalo na sa simbahan at sa ating mga kababayan.” “Sana marami pa ang sumunod na magiging milyunaryo kaya patuloy po nating suportahan at maglaro ng mga Larong May Puso ng PCSO lalo na po sa mga area sa labas  ng NCR+ bubble,” dagdag pa ni GM Garma.

Facebook Comments