Isinagawa sa bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan ang isang grand medical mission na mula pa sa bansang Estados Unidos para mabenipisyuhan ang mga residenteng nangangailangan ng libreng serbisyong pangkalusugugan.
Pinangunahan ng Philippine Medical Society of Northern California ang grand medical mission na ito katuwang ang Provincial Government of Pangasinan, LGU-Sta Barbara at Municipal RHU kung saan benipisyaryo nito ang mga residenteng nangangailangan ang atensyon medikal.
Ang PMSNC ay isang non-profit organization na pinamamahalaan ng mga boluntaryong Filipino medical practitioner mula sa San Francisco Bay Area at maraming pang iba.
Libreng makukuha ang Medical/Pedia Check-up, Minor at Major Surgery, Dental Check-ups at mga gamot na talagang makakatulong sa kanilang mga katawan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dr. Carmelo Roco, ang Team Leader ng aktibidad layunin ng kanilang misyon magkaisa at magsulong ng mas malapit na personal at propesyonal na relasyon at mas mahusay na pag-unawa sa mga miyembro at iba pang medikal na lipunan, magbigay ng tulong medikal sa mga matatanda at mahihirap na Filipino-American pati na rin ang iba pang grupong minorya sa US at suportahan ang mga medical-surgical mission.
Nag-umpisa ang naturang medical mission na ito noong Lunes, ika-16 ng Enero taong kasalukuyan at magtatagal ng hanggang bukas, Enero 20.
Inaanyayahan pa ang mga residente na tangkilikin ang kanilang serbisyo dahil isang beses lang sa isang taon maganap ang ganitong libreng serbisyo sa Pangasinan na dala ng kanilang grupo. |ifmnews
Facebook Comments