Grand mosque sa Marawi, napasok na ng mga sundalo matapos pagkutaan ng Maute Terrorist Group

Marawi City – Napasok na nang militar ang grand mosque ang pinakamalaking mosque sa Marawi City na pinagkutaan ng Maute Terrorist Group.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, nagpapatuloy ngayon ang clearing operation ng Joint Task Force Marawi.

Pero nagiging maingat aniya sila sa pagpasok sa nasabing mosque lalo’t pinagkutaan ito ng mga kalaban.


Ang grand mosque ayon kay Padilla ay pinaniniwalaan nilang pinaglayan ng mga bihag ng Maute.

Maging pinag-imbakan din ng mga armas ng mga kalaban at pagkain ng mga ito.

Dagdag pa ni Padilla na kapag tuluyan na itong mabawi ng Joint Task Force Marawi ay agad nilang itong isasapubliko.

Facebook Comments