Grand rally ng BBM-Sara tandem sa Antique, hindi kanselado sa halip binago lang ang schedule

May pagbabago sa schedule at hindi kinansela ang grand rally nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at vice presidential candidate Inday Sara Duterte-Carpio sa lalawigan ng Antique.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni BBM, binago nila ang schedule ng grand rally para na rin sa spirit ng peace and unity.

Ngayong araw sana nakatakdang tumungo sa Javier Freedom Park sa San Jose De Buenavista sa Antique ang BBM-Sara tandem para sa grand rally.


Ngunit una nang nagprotesta sa social media ang ilang residente ng lugar na ilan ay anak ng pinatay na si Evelio Javier dahil gagawin sa Javier Freedom Park ang grand rally.

Si Javier ay supporter at director ng Aquino’s campaign sa ginanap na snap presidential election noon laban sa mga Marcos.

Siya ay pinatay noong February 11, 1986 ng mga armadong kalalakihan.

Kaya si Javier ay ikinokonsiderang bayani ng mga taga-Antique at ipinangalan dito ang ilang parke at airport maging ang iba pang major sites sa lalawigan.

Nitong Pebrero 18 ay nagpost sa Facebook ang anak ni Javier na si Gideon at sinabing insulto sa kanila kung magsasagawa ng rally ang mga Marcos sa lugar kung saan pinatay ang kanyang ama, hindi lang sa kanilang pamiya maging sa pamilya Aquino.

Facebook Comments