Grand Rosary Rally laban sa korapsyon, pangungunahan ng simbahan sa Bacolod

Pangungunahan ng Diocese of Bacolod ang isasagawang Grand Rosary Rally laban sa korapsyon ngayong Sabado, Oktubre 11.

Pagklaro ni Social Action Director Julius Espinosa, ito ay isang religious activity sa kapistahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary, kung saan ang layunin ay para  ipagdasal ang mga nangyayari sa bansa katulad ng nabunyag na korapsyon.
 
Ito ay lalahukan ng iba’t ibang parokya sa ilalim ng Dioceses of Bacolod, mga Christian school, at mga civic at people’s organization na magtipon-tipon sa tatlong assembly area bago maglalakad habang nagrorosaryo.

Ipagbabawal naman umano ang chanting at pahihintulutan lamang ang mga placards na may nakasulat na mga bible verse. 

Kasunod nito ang isang maikling programa na gagawin sa Bacolod San Sebastian Cathedral grounds sa pagtatapos ng aktibidad.

Facebook Comments