GRAND WINNER | Big winner ng RMN Big Christmas Promo, maraming gagawin sa napanalunang 500k pesos

20

Bacolod city – Pagpa-reconnect ng kanyang na-disconnect na kuryente ang isa sa unang gagawin ng grand winner sa RMN Big Christmas promo kapag natanggap na nito ang kanyang napanalunan na 500k pesos.
Si Erlinda Magallanes, 73, ng purok San Roque, Phase 6-B, Brgy. Handumanan, Bacolod City ang siyang naging grand winner ng grand prize na 500k pesos sa grand draw ng RMN Big Christmas promo kahapon.
Ginamit na coupon entry ni Nanay Erlinda ang Milo sa kanyang pagsali sa week 2 ng promo kung saan ang station manager mismo ng DYHB RMN Bacolod na si Jeony Bigay ang siyang bumunot ng lucky entry.
Ayon kay Nanay Erlinda, malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang pagkapanalo dahil marami itong maitutulong sa kanyang buhay lalo na ang pagpa-reconnect ng kanyang kuryente na naputol halos apat na buwan na ang nakalipas.
Gagamitin din ni Nanay Erlina ang ilan sa kanyang napanalunan sa pagtatayo sang maliit na negosyo na kanyang mapagkakakitaan sa araw-araw.

Malaking tulong din ito sa kanyang maintenance sa gamot sa high blood ayon pa sa winner.
Itinuturing din ito na advance birthday gift ni nanay dahil kaarawan nito sa January 28.
Ang RMN Big Christmas promo ay paraan ng Radyo Mo Nationwide upang magpasalamat sa lahat ng suporta ng mga listeners na naging dahilan ng patuloy na nagiging number 1 ang karamihan sa mga istasyon ng RMN sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments