Grant ng US na 2 milyong dolyar sa Pilipinas para sa war on illegal drugs, welcome sa Malacañang

Manila, Philippines – Ibinida ng Palasyo ng Malacañaang na talagang todo ang suporta ni US President Donald Trump sa war on Illegal Drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque matapos ang ibinigay na 2 million US Dollars o katumbas ng mahigit 100 milyong piso ni US President Donald Trump sa Pamahalaan para mapalakas ang paglaban ng gobyerno sa iligal na droga.
Ayon kay Roque, sa lahat ng mga state leaders na nakasalamuha ni Pangulong Duterte sa katatapos lamang na 31st ASEAN Summit ay si President Trump ang nagiisang Lider na nagpahayag ng matinding suporta sa mga hakbang ni Pangulong Duterte para ipatupad ang war on illegal drugs.
Sayang lang aniya ay hindi ito nabanggit sa Bilateral meeting ng dalawa pero tiyak aniyang matutuwa si Pangulong Duterte kapag nakarating sa kanya ang balitang ito.

Facebook Comments