Granular Community Lockdown, ipinatutupad sa bayan ng Baras, Rizal

Inihayag ngayon ng Pamahalaang Bayan ng Baras ang pagsasagawa ng “Granular Community Lockdown” matapos makapagtala ng kumpirmadong COVID-19 cases sa bahagi ng Brgy. San Jose.

Ayon sa Baras, Rizal Government, ipinasara ang kanilang lugar simula kaninang alas-12:01 ng umaga ng Agosto 25 hanggang alas-12:00 ng madaling araw ng Setyembre 7 ang Katipunan Street bahagi ng Trabajo Street at bahagi ng Cervantes Street upang matiyak na walang mahahawa ng COVID-19.

Paliwanag ng Baras Rizal Government, malaking tulong na agad na magpatupad sila ng Granular Community Lockdown upang hindi na kumalat pa ang nakamamatay na virus.


Hinikayat din nila ang mga residente na palagiang magsuot ng facemask at face shields upang masigurong hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Dagdag pa ng Pamahalaang Bayan ng Baras, ang mga lugar na sasailalim sa “Granular Community Lockdown” sa Brgy. San Jose ay susunod sa mga panuntunan gaya ng bawal lumabas ang mga edad 20 pababa at 60 taong gulang pataas, mga kasalukuyang maysakit, buntis at iba pa; maaring makapagtrabaho naman ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR).

Magbibigay naman ang barangay ng non-transferable quarantine pass kada bahay para bumili ng mga essentials.

Ang essential establishments ay maari lang mag-operate mula 5 ng umaga hanggang 5 hapon pero ang mga operators at vendors ay kailangang magsuot ng facemask.

Mayroong liquor ban at pinagbabawal ang anumang uri ng pagtitipon o mass gathering at suspendido ang pampublikong transportasyon.

Facebook Comments