Granular lockdown sa barangay level, iminungkahi ng Department of Health

Iminungkahi ng Department of Health (DOH) sa Local Government Unit na magpatupad ng localized o granular lockdown para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa barangay level pa lamang.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, habang bumubuti ang sitwasyon sa National Capital Region (NCR), tumataas naman ang kaso sa sampung rehiyon sa Visayas at Mindanao.

Nanawagan din ang kalihim sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na palakasin ang implementasyon ng Operation Listo.


Hinikayat din ni Duque ang mga LGU sa Visayas at Mindanao na maging aktibo sa pagpapatupad ng localized o granular lockdown para epektibong mapigilan ang pagkalat ng COVID contamination.

Facebook Comments