Magsisimula na sa Miyerkules, September 8, ang pilot testing para sa granular lockdown sa Metro Manila, ang sentro ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang mga magiging rekomendasyon pagkatapos ng pilot project ay isusumite para sap ag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang iminungkahi ni Trade Secretary Ramon Lopez ang granular lockdown matapos ang ilang linggong community quarantine para mabuksan muli ang mga negosyo.
Kasalukuyang nakasailalim ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa September 7 sa layong mapigilan ang lalong pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant.
Facebook Comments