Granular lockdowns, dapat sabayan ng mass testing at contact tracing

Iminungkahi ni Senator Grace Poe na sabayan ng mass testing at contact tracing ang lahat ng granular lockdowns na isinasagawa ngayon sa ilang mga lugar sa Metro Manila na mataas ang kaso ng COVID-19.

Diin ni Poe, ang mass testing at contact tracing ang backbone ng pagtugon sa COVID 19 pandemic kaya dapat masaklaw nito hindi lamang ang mga residente na sakop ng lockdown kundi ang mga kalapid na komunidad.

Ayon kay Poe, kailangang isama sa mass testing pati ang mga walang sintomas bilang paraan ng pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 sa mga tahanan, sa komunidad at lugar ng trabaho.


Paliwanag ni Poe, kung hindi magsasagawa ng mass testing at contact tracing ay magpapaulit-ulit lang ang pagkalat ng virus kapag inalis na ang mga lockdown.

Umaasa si Poe na matutupad ang pangako ng gobyerno na pagsasagawa ng 10 milyong COVID-19 test sa unang quarter ng taon gayundin ang tuluy-tuloy na pagdating COVID-19 vaccines sa bansa.

Facebook Comments