Manila, Philipines – Ipinasilip ng Department of Health (DOH) ang mga bagong graphic health warning designs na ipakakalat sa mga pakete ng sigarilyo.
Importante ang pagpapalabas ng mga bagong health warning designs na ito, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dahil nagkakaroon ng familiarization ang publiko sa mga lumang designs.
Ibig sabihin, sa halip na mandiri o matakot ang mga makakakita nito ay nagiging immune na ang publiko dito kaya’t kinakailangan ng mga bagong disensyo.
Ilan sa mga bagong disensyo ng tobacco related illnesses ay larawan ng pasyenteng mayroong mouth cancer, hika, strokes, kanser sa lalamunan at leeg.
Kaugnay nito, nagpaalala naman ang DOH sa mga tobacco companies na maging sensitibo at isaalang alang ang pangmatagalang banta ng kanilang mga produkto sa kalusugan ng publiko.